Untitled
Engage 2012

Ano ba ‘tong engage na ‘to?

http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc6/187770_413020545427415_467468120_n.jpg

   Sa pagkaka-alam ko, taun-taon ay may ginaganap na “general assembly” ang UST Faculty of Engineering. Ngayong taon, pinamagatan nila itong “Engange”.

naglabas din sila ng mga teasers tulad nito:

http://www.youtube.com/watch?v=scZZ4EZKgos

   Dahil nasa unang taon pala kami ng aming pagiging kolehiyo at pagiging bahagi ng Faculty of Engineering, wala pa kaming alam kung anong mangyayari sa nasabing event. Ang alam lang namin, kailangan namin pumunta para sa incentives na matatanggap namin mula sa iba naming propesor.

   Ginanap ito noong ika-26 ng agusto, mga bandang 6pm, sa SM North Edsa Sky Dome. kahit 6pm pa ang simula nito, punung-puno na ng mga tao sa labas. nagsimula naman kagad silang magpapasok ng 6pm.

   Hindi magsisimula ang event ng hindi nagdadasal. nagsimula ang program sa isang doxology (the prayer). pagkatapos noon ay lumabas na ang mga myembro ng ESC (Engineering Student Council) kasama si sir Cristino “butch” Carbonell, at nagsimula na ang countdown habang sumasayaw sila ng starships.

   Pagkatapos noon ay isang sunod sunod na napakaraming dance performances mula sa iba’t ibang organizations, kurso, at pati mga propesor ng Faculty of Engineering. Meron din namang mga kakaibang performances kagaya ng 2 babaeng nagsasayaw habang nagfa-fire dancing, isang pamilya ng acrobats at one voice. Bandang huli nalang namin nalaman na may paligsahan palang nagaganap. 10 grupo ang mga kumalahok dito. ChEDC ang grupo na nagkampyon, at nag uwi sila ng P 15,000.00.

ChEDC

    Kahit 2,000 ang capacity ng skydome, kulang parin ito para sa buong faculty of Engineering. marami pa rin ang nakatayo, at nakaupo sa lapag. isa na kami dun sa mga yun :)). Kasama sa binayaran namin ay isang reg coke, at original recipe bites mula sa KFC. meron ding cocktails sa event na galing naman sa tanduay. Nagbigay din sila ng maraming freebies gaya ng blackberry, gym pass, etc. Mga bandang 11 na ng gabi natapos ang Engage. kahit tapos na ito, marami parin ang nagstay sa loob, yung ibang studyante nagsasayaw pa sa stage :)).